Tuesday, June 21, 2005

back to normal.. after almost a week and a half..

yeah.. back to normalcy.. at least i think i am.. after a month and two weeks of being un-me. madami dami nang nangyari.. i almost thought i had fallen in love (yuck, pero totoo).. pero ewan. di pa rin ako sigurado. maybe yes, maybe no. so far nag lie-low na ang lahat ng abnormal sa buhay ko.. i'm back to my work-centered life.. back to not looking at my phone.. (sakit sa ulo, bago pa naman sya).. pero sa totoo lang, i wish may hinihintay pa rin ako.

extra-curriculars? belting out when at home. and controlling when i am here at work. so far, i'm finding more ease with high tones now than before. i just wish i managed to squeeze out that voice while i was still at level 1. saved me (and coach dynes) from a lot of bwiset siguro during the sessions. pero anyway, there's still level 2. coming soon!

set a date na of my CPMP comeback.. July 19. sa ngayon, its 29 days to go. but then again, i might just go for it anytime before. lalo na ngayon.

i mentioned na sa last entry that nagkamali ng release ng video. turns out that that was an isolated case, out of 10 or more videos, mine was the only one na ganon, though may problems daw with the 3rd disk. malas ko naman. i still returned the VCD to coach dynes naman last friday (happy na naman ako non kasi i was visiting CPMP again). si coach nagtuturo ng recitalists ni coach yen for sunday this week. chika chika.

she lent me the recital VCD na.. haha.. ang saya.. soli ko na lang daw when i'm done with it. over talaga si coach sa kabaitan ever. tapos tinanong ko sya kung may pic pa ba si dewberry doon (kasi hiningi nya yung isang pic ko).. wala na, nakuha nya na. ang hindi nya lang nakuha e yung duo pic nila ni mike, na binigay na sakin ni coach. hahaha! pagtyatyagaan ko na lang si mike in the meantime. cutie naman yon kaya lang parang snob e.. at di naman sobrang galing kumanta.

ayun happy.. i watched the video ng friday night, saturday afternoon, hanggang kahapon (actually hanggang dito sa office today). si dewberry sa solo nya (na hindi ko iniintindi before), mukha syang baklang masculados na pinagpipyestahan ng mga baklang backup dancers. he eerily shares this same feature sa mga crush kong iba na mestisohin (leo, patrick, etc.).. mukhang bakla minsan. nagkamali pa nga sya dun sa solo nya, twice or thrice, sa lyrics, pero honestly, keri lang.

erik santos medley, in one word, WINNER. he was the best performer there. si allen, over ang expression, though he sang well, minsan nga lang kumekembot.. at halatang halatang bading sa gestures at boses. si mike naman, pumiyok at expressionless. at sumisimangot on stage. si dew, there were some points na dapat i-belt out that he seemed na sumisigaw at least for me, pero keri lang. expression ok, voice quality ok.. the best na.. if not for the height.. sheesh.

opening and closing, dati ko nang napapansin, nakakatawa syang sumayaw.. he's more of a singer than a dancer honestly. confirmed it now. funny lang, pareho kaming naka-black visor nung recital opening.. at sa closing, pareho kaming naka-black visor at black shirt.. di yun sinadya no.. though pagkatanda ko napansin ko na yun recital pa lang.. pero didn't give it too much notice.. then. hahaha. (uy destiny.. in my dreams)

ayun.. namiss ko lalo ang center for pop nang dahil sa aming recital video. ang saya saya. as for my performance, opening number, over ang kembot ng lola. kinarir ng pwet ko ang pagpro-project. haha, yun lang kasi ang puhunan ko sa mga ganito.. pag makaka-kembot, tinotodo ko talaga, parang nung wedding. sabi nga ni shoogie, yung right side daw ng pwet ko pag kumekembot, nasa makati, yung left side, nasa diliman. hehehe.

closing, one observation. PAYAT ako nung february.. i was able to wear the CPMP shirt midriff style without bulges showing through. i was able to wear the freakin madonna bra under the leather jacket in a decent style. kung ngayon nyo pagawa yun sakin, wahh.. visual pollution ito.

madonna naman, weird. di kami sabay sabay. alam namin yon noon. mahiyain pa ko at di ako nakapagproject nang maayos. partly due to the sickeningly bright lights. tapos ang mga nag-edit may cut sa madonna. yung sa like a virgin ko "didn't know how lost i was until i found you". for "you" kasi, i turned back tapos balik to emphasize you, tapos cut?? argh.. di ako satisfied sa madonnang yon.. di ko pa yon nape-perfect. sa mall show e mainit na ang ulo ko nung madonna e.. sana may susunod pa (haha.. nagwish ba na maulit ang madonna?? honestly, yes. masaya kasi e..). si rhea over ang projection, nagmumukha tuloy kaming backup dancer nya. merong parts na nagkakamali sya.. pero keri lang.

on my own. initially, i hated it. di ako satisfied. the 2nd time i watched it, it was ok naman pala. kaya lang dun sa latter parts di ko na gusto. natutuyuan na ko ng lalamunan non, at kinakabahan, the notes didn't come out fine, though the emotion was there. sabi nga ni coach mayo, i was very expressive daw.. haha. dun ko na lang dinaan yung kanta.. tingin ko naman effective. though it would have been way better with that emotion, and hitting those notes perfectly. pero ganun e.. level 2.. excited na ako.. time to redeem myself.. level 1 wasn't exactly a disappointment, pero there's room for improvement. at pagdating dito, i wanna improve to the best that i can.

on the more professional side of things, kinausap ako ni ESM contact ko nung friday, nagka-opening daw ulit dun sa project na inapplyan ko.. this time programmer position na. tinatanong me if i would want to reconsider.. yes naman ako kaagad, though hindi java yun. pero that's as good as it can get. canada pa rin.. ewan ko kung contractual. pero tingin ko its good enough, considering na programmer position na yon at hindi helpdesk. baka daw d na ko interviewhin.. coz na-intervew na ako before.

ngayon, happy ako.. professionally. bumebenta pa rin naman ang lola. the personal side, however, is not. at katangahan mang aminin o hindi, dahil to sa singing. it would have to take a backseat if i pursue this. para sa iba, pwedeng sobrang katangahan na i-let go ang ganitong opportunity to study something na hindi ko naman planong gamitin sa buhay ko (at least for now). i have to admit, ganun din ang naiisip ko. pero ewan.. for me, hindi ko naman ginagawa lahat ng bagay kasi may pag-gagamitan ako in the future. may mga bagay na ginagawa (at ginagastusan) mo dahil gusto mo, dahil masaya ka doon. dahil meron kang fulfillment na nakukuha.

pero hanggang saan nya ko mapapasaya? hanggang saan ko planong dalhin ang passion kong ito? ano-anong opportunities ang isa-sacrifice ko nang dahil dito? is it worth it? o sa bandang huli e ipukpok ko man sa ulo ko yung tarpaulin namin at certificate, wala na akong magagawa, dahil wala nang opportunity?

masaya naman ako.. pero hanggang kelan nga? unless kakaririn ko to in the near future, e kahit ako walang makitang dahilan. isa lang, masaya ako.

but then again, pwede naman akong kumanta sa canada diba? kung meron lang center for pop canada branch edi ok sana.. ano ba yan.. nawiwindang na ang buhay ko..

badtrip din ako.. yung system na dinevelop namin d na magagamit. matapos ang prototyping, development, debugging, documentation, volume testing, pucha wala rin pala. bwiseeeeet!!! ito pa naman yung una kong project diba? kainis talaga.. bwiseeeeet!!!

kahapon, i was praying, sabi ko kay God, pahingi naman ng ibang iisipin. kasi sa dami ng kababalaghang nangyayari, si dew pa rin ang nasa isip ko, kahit na hindi na naman sya nagpaparamdam ulit. kahit na i never heard from him again mula nung sinabi nyang namatay ang dad nya. kahit na malamang hindi na ako naiisip non (at malamang di naman naisip kahit minsan). kahit na sinabi ko na sa sarili kong hindi na ko naghihintay ng message sa kanya. kahit na sinabi kong tanggap ko nang naka-258 lang sya dati kaya madalas sya sa inbox ko. kahit na sinabi ko once na malapit na kong umabot sa puntong pag tinext nya ko e di na ako sasagot sa sobrang asar sa kanya.

matapos ang lahat nang yan.. wala.. sya pa rin ang nasa isip ko. gusto ko nang maniwala sa sinasabi nila.

blogs: malalaman mo kung nawala yan pag nagkita ulit kayo o kaya nagtext uli sya o kaya pag kahit ayaw mo ng isipin e naiisip mo pa rin.. iba na tawag dun.....nde na crush.. hehehehe ito na yan.... LOVE
coach: pag crush mo mahal mo na..

hindi naman siguro.. wag naman sana. tingin ko HINDI PA.



but then again, maybe not.

hayy.. andami ko nang nasabi.. i still have a question in my head. masaya ba kong back to normal mode na ako?












Konti lang, pero for the most part, NO.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home