Wednesday, June 15, 2005

andaming nangyari over the weekend..

June 14

long weekend.. masaya.. malungkot.. madaming nangyari..

actually, events started thursday night.. i saw an ad at BNC about an almost new 6630 being sold. nag-inquire ako, it was almost the price of a bnew unwarrantied one, and it still had 11 months warranty. gusto ko talaga as much as possible meron so i went for it. i texted the person thursday night, habang andun kami sa LKG for dinner, and in less than 24 hours, i got it na. buti na lang the guy's office was on my way, sa may PLDT Espana.. so yun. so far the deal was smooth, ok pa yung fone. parang bago talaga, maingat din sa gamit yung original owner.

i was enjoying the phone, sobra. to the point that i drained the battery in one day, twice! grabe.. i installed original apps first, at pinag-isipan ko pa talaga kung bibilhin ko.. i needed several important ones at mahal sha. in the end, puro pirated rin ang binili ko.. sheesh..

ininvite pa nga ako nina jaena to join them sa enchanted kingdom nung sunday. di na ko tumuloy kasi magastos.. at kakagastos ko lang ulit ng malaki dahil sa fone. sa ngayon naman wala akong plans ibenta yung T610.. weird nga, yung minisync for the T610 reached my hands last friday mismo, the day i was supposed to get my 6630.

saturday night, kausap ko si shoogie. maliligo na ko nun dapat pero tumawag sha. ayun chika muna kami.. sabi ko sa kanya wala pang text si fafa sa bago kong fone.. nagkamali pa sya ng sagot.. haha.. lalong na-aggravate.. though i was joking lang noon. i hung up na rin after chika, kasi nga maliligo ako.

i had to clean the bathroom pa.. so lalo akong nagtagal than usual. habang naliligo, i was vocal na "Lord, pa-textin mo naman sya sakin.. bago pa naman yung fone ko." basta that kind of stuff. tapos tumunog ang fone ko.. inisip ko na naman kung sinong pilato yung nagtext na yun.. baka network na naman o kung sinong ayaw ko namang magtext sakin. pero hindi ako nagmadali. i took my sweet time habang naliligo dahil mainiiiit talaga!! pagbalik ko, saka ko pa lang nakita yung nagtext.

sino? sya. smile ako. sa wakas!

e bakit? read message. natigilan ako.

"my dad passd away 8:10pm this evening. pls pray 4 his soul."

shet.

ako naman, di ako nakareply. inisip ko pang mabiti kung anong dapat sasabihin. tinanong ko pa si mommy.. kalokohan naman ang sinagot. puntahan ko raw, hagurin ko ang likod.. duh! seryosohan po ito.. i postponed replying till the following morning. although, there was a feeling na iba. siguro naman hindi sya nag-mass text sa lahat ng kakilala nya sa center na namatay ang dad nya diba? the mere fact na sinabi nya sa akin, touched naman ako. siguro, siguro nga, he considers me a friend na rin.

but then again, who am i to conclude? anong malay ko?

sana ok lang sya. sana ok lang ang family nya. syempre di sila ok pero sana kayanin naman nila yung trial na to that came their way.

monday, buti na lang declared na holiday. may treat si ninang ng lunchtime kasi birthday nya today. sa gloria maris sa gateway mall. nakarating na kami dun before nung pagkatapos ng practicum ko sa center.. dun kami gumala habang naka makeup pa ako.. sheesh. anyway, mejo late kami dahil dun pa kami sa gateway parking nag-park na, in contrast to SM's parking system, e pababa imbis na paakyat.

pagkatapos, gala muna kami then uwi na rin.. kasi bawal car pag monday e. sina hazel nagpunta samin later in the afternoon at chinika ko sa kanya ang mga pangyayari. ang lola, natatawa. he almost got the number e, ang ginawa ko chinika ko forever para makalimutan nya. nanood kami ng MTV ni papa john lloyd ko, kumain, nag music, nag videoke, basta masaya. hehehe!


June 15

monday lunch, when we went to gateway, i felt like wearing something na mejo girly nang konti. ang sinuot ko yung bigay ni ninang nung birthday ko ata or nung christmas. she recognized it pa nga. tuesday, i felt i wanted to wear it again. complete with a new hairdo, hahaha. actually matagal nang naka-half upsweep ang hair ko, kaya lang mejo lately, ayoko nung may mga magulong strands. i found a friend in citre shine.

kc:
mabs: chelle, may sakit ka?
jaena: uy, blooming.
blue: o chelle, may sakit ka na naman?
coach dynes: oi mich, ang taray ha, bakit ka girl na girl ha? anong meron?
kc: (hapon na, pauwi) uy magkwento ka.. bakit ka blooming?

weird comments nila no? sabi ni mabs, kala nya may sakit ako kasi mejo matamlay ako (which is true).. saka daw baka dun sa shawl ko na dala kasi sleeveless yung bigay ni ninang na damit. yung blooming naman, ewan.. buhok lang naman ang naiba.. ang alam ko yung pink na yon, nasuot ko na yun dati. the difference one's hair makes talaga..

anyway, mejo gusto kong lumabas (rumampa daw!) nung hapon kaya lang si peachy manonood ng technical rehearsal ng beauty and the beast (lucky her, i'm watching the show in a month). so i decided to get the tarpaulin at center na lang.. tinext ko na rin si coach dynes. mga lunchtime, she replied, through coach yen. andun na daw ang VCD namin!! yahoo.. timing!!! nagconfirm na kong pupunta. that actually made me excited to finish the day. tinext ko na rin sina jason and anne.

late na rin akong nakaalis.. nagsabay kami ni mabs. though kasi wala na akong stored value card, nauna na sya. samakatuwid, 7:30 na akong nakarating ng center. kita ko sila ms ydette, coach lye, coach mayo, coach yen and coach louie. strangely, coach kilay was nowhere to be seen. si coach dynes niligid ko na ang buong center, nawawala. tinext ko na lang. then dumating na rin sya.. walang class. chika chika lang kami. binigay nya na sakin yung tarpaulin at VCD. ako ang una hahaha.

ayan nga, iniintriga, girl na girl daw ako. kwentuhan muna. niloloko ko kay fafa nya. ang taray daw ng testi ko. akala pa may BF na ko (haha.. sino? yung crush ko ngayon). sabi ko sa kanya meron akong di sinasabi sa kanya. ayun nangintriga na. sabi ko itetext ko na lang sa kanya, pero di daw sya makakareply kasi wala syang load. di raw ako uuwi hangga't di ko sinasabi sa kanya. hahaha. sinabi ko rin. natawa. bakit daw di ko sinasabi sa kanya dati? ah, pagkatapos na po non. so ngayon ipaglalaban mo na sya? duh, di ko sya mahal no (nga ba?). mahal ko na raw yon pag crush ko na.. sheesh (from experience! ahaha). kinukwento ko pa nga kung pano namin sinisetup ni ann ang dalawa ni rhea dati. natatawa na lang sya.

pati ang pagka-upo ko doon sa mallshow napagusapan. dini-demo pa nya ang pinagagawa ko, si coach lye ang kasama namin don sa labas. natatawa na lang ako.. pareho sila ni mommy ng comment, parang scripted raw ang pagbagsak ko. gulat nga sya, big deal daw sa akin yon. masaya ang kwentuhan. pati trabaho. yung fone ko nakita ang taray daw, di na raw ako maabot. anu ba yun. magtratrabaho na rin daw sya sa smart. sinabi ko naman na malapit na akong umalis, at least nagtitingin tingin na. katwiran: kung may better, bakit hindi? isama ko naman daw sya sa mga plans ko. ang sabi ko naman mag-a-asawa na ata sya. hinihintay nya kasi si fafa nya non.

ang saya saya, namiss ko ang center. namiss ko si coach dynes sobra. friend sya talaga. mag level 2 daw ako (tapos naging sales pitch). haha gawin ba kong business. tinanong pa ko kung kelan. pero seriously, friendly talaga sya. sana naman, hindi dahil i'm part of the company which gives her her salary. sana. kasi i consider her a friend na. imagine, sinabihan ko na ng crush ko. di ko ginagawa yon sa basta-bastang tao lang. sabi ko nga, quiet lang sya.. pag may nakaalam non, wala na kong suspect, sya na kaagad. convicted na kaagad. hahaha.

later nagpaalam na rin ako, habang naghahanap kami ng jeep, nakita nya padating na si fafa nya. wag ko daw lingunin.. haha, mahahalata kami. napag-usapan pa namin yung profile ni fafa nya sa friendster, nakita ko kasi. kakatakot.. hahaha.

pag-uwi ko naman, excited na kong manood ng VCD. dala ko na nun yung tarpaulin namin, yung certificate ko at yung VCD. excited na ko sa VCD, as in sobra!

insert disk 1. Videoke Hits Express? Visayas Branch? Di amin yon!! Disappointed, pero tried disk 2 pa rin. Nasa Disk 1 pa naman si fafa malamang..

Disk 2, hindi pa rin. Disk 3. Wala pa rin.

HINDI AMIN YON!

kainis.. disappointed ako sobra. tinext ko pero di naman sumagot.. pero kebs lang. ibabalik ko na lang when i go back.

anyway, last bit of news. kahapon i found 258's reply to my info-text na andun na ang VCD quite stand-offish. disappointed. buti pa si anne. tapos di rin sya nagreply when i told him na mukhang wrong vcd yung nakuha ko, to think na pinapatanong nya yung certificate chuvanes. last and not the least, alam rin ni coach that his dad died, so my feeling friend was only a feeling after all. kainis.. pero heck. i have no reason to naman diba?

disappointed, hell yeah. kaya parang wala na naman akong gana sa kanya. so for now, its OVER.




over until further notice.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home