balita for the day..
11:31:09 AM
uy happy na naman ako.. haha.. for quite some time now, my phone has been very inactive (hence, natitipid ko na naman yung load ko). save for the usual texts na pinapadala nung officemate namin na madalas mag-text at sa paminsan-minsang message sa network, e its sitting silently sa trono nya sa bahay o sa office. minsan nagtetext si shoogie, o kaya si mommy o kaya ibang friends, pero di naman kasi talaga pala-text ang mga kaibigan ko e, parang ako.. pero that's just about it. as for dewberry, hah, i barred his number na.. para kung sakaling mag-resurrect na naman sya e hindi ko na makikita.. though its still possible to view his messages (kung gusto ko). ayoko lang na nadi-distract na naman ako at nawawala ang stability ko lola.. at hindi ko na rin sya tine-text.. siguro mga one week na. sayang lang ang piso ko sa kanya.
okay fine, part of me is sourgraping. but part of me means it, honestly!
kahapon, on my way home, may nag-text. considered ignoring it kasi baka sa network na naman, pero sige na nga.. baka importante rin. check message. haha.. for how many days now, no text has made me smile.. this one did, though sige, dewberry's latest "i have resurrected" message gave me a bigger smile.. it was count. haha nakaalala. sa accenture na daw sya since last month. hehe.. sige, may usapan kaming libre talaga (haha, kami lang?), kita na lang daw pag sweldo na.. uy natuwa ako.. haha. fine, kinilig nang konti. mejo nakalimutan ko ang crush ko sa kanya during the dewberry days e. haha.. comeback ba ito ng crush ko sa kanya? siguro, pero ewan..
di ko pa rin ma-decipher ang taong yon kahit na matagal ko nang kakilala. kahit sarili ko in relation to him hindi rin.. di ko malaman kung crush ko ba sya talaga (dahil mejo matagal nang crush ito kung saka-sakali.. taon na ang binibilang, samantalang si dewberry e sa loob ng 1 month and a half e inisip kong mahal ko na, na hindi ko pa rin alam ang sagot hanggang ngayon), natutuwa lang ba ako sa kanya, nababaguhan dahil konti lang ang friends kong lalaki at kasama sya sa konting kahit crush ko e pwede akong maging true me, no pretenses. o talagang friends lang? ewan.. pero sige.. happy ako.
wala pa rin sagot yung inemail ko.. wahh.. i'm looking forward to joining na.., be it win or lose (though shempz better kung win). sa totoo lang, sort of kasama na yun sa aking "make me forget dewberry" action plan. nakakatawa nga, ang plano ko naman talaga e CPMP lang, pero ano-ano na ang napapasok sa plano ko.. nagkaron ng (sana ay makasali ako na) contest, tapos ayan si count, nagpaparamdam.. malapit na ang sweldo.. kita daw pag sweldo na.. hehehe.. tapos yan, dapat 1st day ko sa center ngayon pero na-postpone until i have the feedback of the person na inemail ko. mamaya tatawagan ko na, para makapag-withdraw na ako ng pang-center at makapag-session bukas kung sakaling hindi man nga pwede. sayang though.
sa 29 daw pupuntang laguna kami kami dito.. kung sakali at makasali ako sa contest, 28 ang leave ko so oki lang.. mukhang overnight yun.. sana masaya naman.. malamang sasama ako.. need to trim down.. swimsuit pa naman ako.. ahahah!
umuulan today.. 8 minutes shy of being late.. buti na lang mejo maaga pa rin kaming umalis..
04:44:46 PM
kaninang lunch, taking advantage of the rainy weather we have now, napag-tripan namin na bumili ng cup noodles for lunch. i got chicken mami tapos hotdog sandwich. chika habang lunch tapos pinakita ko sa kanila yung video ng recital.. haha natatawa, di raw nila maisip na nagagawa ko pala yun.. MICHELLE AFTER OFFICE na nga ang title e.. may mga nakakita pang iba.. pero in fairness, ok ang sabi nila.. (malabo kasi yung sound system dun at mahina pa.. pag earphones, wala na.. nahahalata ang mga sabit ko sa tono).
yey.. di na ako nakatiis.. tinawagan ko na yung nasa ad.. pwede daw akong sumali, since hindi pa naman ako professional. yahoo! (nga ba?) weird thing is, before i received an affirmative approval, i was so sure that i wanted to join. ngayon, i'm thinking twice.. pero no.. i'm joining.. may resolutions na nga kami..
1. no to anything cold
2. no to anything sweet
3. no to anything dairy
4. no to coffee, sweets, chocolate, the works
5. vocalize everyday
6. practice everyday
ngayon, my dilemma is what to sing.. on my own? last dance? one moment in time? try it on my own? pero ito 100% sure na.. I'M JOINING!!!
based sa sinabi ng kausap ko, tingin ko pwedeng mag-enroll ako while waiting for that.. pero ewan. baka nga swertehin, manalo ako. sayang ang scholarship. saka it might create necessary complications later on.. sige, sariling sikap ang lola.. sana lang makaya ko, davah..
next week na pala yung Beauty and the Beast na papanoorin namin.. excited na rin ako doon... heheh.. sa weekend kina ninang ah naman kami.. birthday nya.. at wala pa akong regalo!!!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home