another reason why i'm happy..
meron pa palang reason na masaya ako.. mukhang finally e di na nag-o-object si mommy sa aking extra-curricular activities. kanina, sinabi ko kay kaye na i'm going back to center for pop next week. sabi nya sya din daw babalik na sa piano next week. si dang din daw magsastart na nung baking nya. natatawa ko, sabi ko sya na lang ang walang kinakarir. sabi nya naman, ang gusto nya, piano (nagpa-piano kasi si kaye non).. gusto nya daw kaya lang d xa marunong bumasa ng nota. yun daw ang gusto nya.. haha. ihanap ko daw xa kung saan maganda.
tingin ko naiintindihan na nya ko.. o talagang tanggap na nya na gusto ko talagang kumanta.. o sumuko na talaga, either of the three.. hehe.. pero whichever it is, happy na ako. at least i don't start a litany tuwing magsasalita ako about taking voice lessons. ang malaking question lang, yung kayang nakita kong contest, kung pwede, papayagan ako?? hmm..
isa pa lang ang sinabihan ko, si ate logs. kanina in-email ko na yung tao na nakalagay para itanong kung pwede yung current/previous students ng CPMP na sumali sa contest. inisip kong wag na lang i-raise (let them find out, after all, makakakuha ka lang naman ng scholarship if you become the grand champion e). kung hindi e di hindi, they wouldn't have found out, diba? pero ewan ko.. this might be an obstacle later on e. so i wanted to smooth it out before joining (kung sakali).
pag pwede ang current students, i'll join then i'll enroll, whichever comes first of the two. pero pagsasabayin ko. kung hindi pwede yung current students, pero pwede ang previous, hindi muna ako mag-e-enroll. pag hindi pwede both, tuloy with original plan na mag-enroll. pinagdasal ko na to.. pag hindi talaga dapat for me, let a rule be made. pero pag pwede, all the more i am decided to join.
as for the contest piece, if i am to follow the sign, it'd be "on my own" (again???). i have yet to be satisfied with myself doing that song.. and siguro.. siguro lang.. it might be a good song.. pero ewan. since hindi nagreply yung inemail ko, sabi ko kay ate logs tawagan.. sa monday pa daw malalaman..
Lord, your will be done. Kung pwede, I'd go. If not, well.. :)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home