Friday, September 03, 2004

my fear..

hmm.. i have conquered my fear..

naka-enroll na ako.. which i have been putting off for the longest time. i left the office about 4:35 yesterday. natawa pa nga sa akin yung isang colleague ko, tinanong nya kasi kung 7:30 to 4:30 na ako when she saw me leaving. sabi ko matagal na, pina-practice ko yung umaga, pero yung hapon hindi. *wink wink*.

i considered walking my way towards MRT, pero i remembered my self-imposed deadline of 6:30 kaya nag-jeep na ako.. baka ma-sidetrack pa ako sa mga malls. Anyway, I got there fast, pero di ako nakaupo, sad to say. I managed to stay on foot hanggang Cubao. Nagtanong ako (sige, twice lang).. one nung nasa MRT ako at hindi ko alam kung saang direction pupunta.. i was looking out nung nasa MRT pero di ko nakita ang RMHS Cubao, kaya ako nagtanong.

Ang nilakad ko.. ang habaaaaa! mas ok pa siguro kung sa Kamuning na lang ako bumaba! grabe.. nung (sa wakas!!) narating ko na yung Garcia street, ayun.. mukhang neighborhood. yikes.. akala ko commercial yung lugar na pupuntahan ng lola! kaya nagtanong na ako sa isang bata. kung saan. it turned out, parang bahay pala yung place. pero malayo pa rin.. naka heels pa naman ako kahapon.. i was still thinking while walking all the way. pero nung nakita ko na, naisip ko naman napagod na ako for nothing. i might as well go for it.

one thing led to another, and before i knew it, i was handing my payment for the course. too late to back out now michelle. way too late!

i just wish my love for music (nyak.. i'm not sure if i love my computer more) would make me improve, syempre ang training! kaya lang natatakot talaga ako.. sa ngayon, mere thinking about the things I would probably be doing scares the hell out of me. though i have to admit na mas confident ako at present than before, tingin ko mapapahiya pa rin ako. i know i've got a bit of talent (sige, marami! ), pero di talaga ako confident sobra. pag-program-in mo na lang ako.. hindi talaga ako confident (well, hindi lang sa aspetong to..) kaya ito yung primary na gusto kong maalis. i guess singing would come to a close second? or i would put them both at first place. saka sayang naman.. kalahating sweldo ko na halos yung ginastos ko don, kung, mapupunta rin sa wala.

natapos ako ng 6:30. I was home by 7pm. at least alam ko na kung pano pumunta doon na mas madali. i took the sunday morning schedule. tad too early, pero sana di pa yun yung jampacked schedule para konti lang tao.. natatakot ako talaga sobra..

yey manonood na ako ng BABY bukas ng hapon! =)

now my mission is: to find my own minus one to use for the training. i am considering a song na alam ko na (para maayos ko nang makanta, hahaha play safe na naman).

uuwi na ako.. ayoko na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home