Sunday, February 13, 2005

weirdo ang weekend ko.. hehehe.

saturday started off with linis pa rin.. well, hindi ako kaagad naglinis, i called folks up muna to remind them of today's event.. tapos sa Kamay Kainan to re-confirm my reservation.. gumawa pa ako nung para kay mama dolly na souvenir ata.. while doing those, lalaine called up and greeted me happy birthday.. sabi ko tawag sya ng mga 3pm.

lunch.. masarap.. ako na yung nagligpit ng kinainan namin tapos pa nun ako naglinis. natapos ako mga 2:30 na.. was waiting for lalaine to call up ng 3pm pero d naman xa tumawag.. so natulog na lang ako and set the alarm to 4pm kasi may practice kami kahapon ng medium at 6pm. around 4pm (before my phone alarmed), my phone rang. coach dynes. hindi daw tuloy ang practice.. nag brownout sa Center.. tapos pictorial daw ng 11am sa AliMall Cubao, Picture City. naloko na.. e may mga guests ako sa Greenhills ng 11:30.. tinanong kung bakit.. napilitan tuloy akong sabihin na birthday ko.. ndi daw ako nagsasabi.. hehe.

ang plano ko, since ala pa akong costume.. bibili ako sa SM since wala naman practice. pero nag text na naman si coach ng mga 4:30. may kuryente na daw, tuloy ang practice. edi punta ako ng mga 6 din.. mejo late pa.. comedy nga dahil napa-sit in ako dun sa belting out session.. andun na rin si micah.. si coach nanghiram pa ng pen sa akin pang comment sa mga manual nung mga students.

tapos lumabas muna sya.. ang init sa MPH.. may umusok pala dun kaya nawalan ng kuryente. wala pa ring aircon pero may ilaw na. charles and his friend entered the room.. he was imitating me singing "on my own".. tinanong nung friend nya kung isasama ko pa daw yung parang dialogue before the actual song.. sabi ko naman baka pa lang.. sabi nung friend nya dapat daw pati "i dreamed a dream" isama ko na.. hahaha.. pop ba ito?? sabi ni charles panalo daw yung high tones ko dun sa "on my own".. he's generous with praise.. pero hindi pa rin ako satisfied sa pinagagagawa ko dun sa kanta na yun.. parang automatic kasi.. walang feeling.. basta lang nakanta.. tingin ko nga sinisigaw ko na lang yung mga tones dun.. pero ndi nila napapansin.. ewan ko.. may mga high parts na dati ginagawa kong makapal pero nipisan ko daw sabi ni coach.. so yun nga ang ginagawa ko.. pero mas gusto ko yung mejo makapal ng konti.. ewan.. parang hindi "belt out" ang ginagawa e.. iba.. basta.. weird pero ayoko naman na yung gagawin ko ay exact copy lang nung kay lea salonga.. if i could even muster enough powers to even attempt to equal her performance. at least we're giving it a newer rendition..

anyway, later sabi ni coach dynes sa PH na daw kme.. i was talking to janice then.. onti lang ang people, madonna medley lang at slow rock medley. ang mga kasama ko sa madonna medley ay sina janice, angelique, rhea and micah dapat, pero ndi daw familiar si micah sa mga madonna so nilagay sya sa slow rock medley. someone else named charo takes her place, hindi ko pa sya kilala. si angelique yung matangkad na sexy na girl.. ramp model pala yun. rhea naman, bago lang.. 7 sessions pa lang daw sya, wala pa nga sa PH. pero tinanong na sya ni coach kung pwede syang sumali sa recital nya. magaling.. one of the better ones na narinig ko, based sa naririnig kong voice nya sa medley. i like the quality of her voice.

ayun.. madonna.. ok lang, nothing too taxing, though onti lang ang part ko.. ako ata yung pinakakonti sa lahat e.. pero ok lang.. ang problema ko dito e malandi daw.. ang choreo pati costume.. baka daw mini-skirt.. omg.. mini?!?! mukhang magaganda ang mga legs ng mga kasama ko.. not to mention magaganda talaga silang lahat.. man.. what would i look like? ang mga bakokang ng legs ko.. man..

yung slow rock next.. magaganda ang mga songs nila, pero sobrang taxing.. sobrang mamamaos ka talaga.. buti na lang di ako nilagay dun. amin daw yung pinaka-malanding medley.. yun daw puro blocking lang.. oh well.. maganda siguro dun kung isho-showcase ka talaga.. pero mahirap.. nakikinig lang ako nahihirapan na ako.. grabe talaga.. ang tagal nilang nagpa-practice.. nagchi-chikahan lang kaming madonna medley hehehe.

ayun tapos repeat na kami.. ok lang.. madali lang naman e.. ang taxing dito e choreo.. i don't even wanna know kung anong ipapagawa.. after namin pwede na kaming umuwi.. ni-remind lang kami tungkol sa pictorial for today.. naguluhan pa kami sa time.. ang alam nung mga kasama ko e 11:30, ang sabi sa akin ni coach ay 11:00.. naguguluhan pa talaga.. parang naasar nga ata si coach.. e di naman nya ako talaga tinext e.. nung tawag nya lang sinabi sa akin yung pictorial and all.. turned out 11:00 nga yun pictorial.

punta pa akong SM.. napagsarhan na ako almost.. bumili ako ng belt (na ayaw sumara), weird na blouse, cap (which i intended to look like a cowgirl's).. walang sense nung sinuot ko na lahat.. mukha akong tanga. hindi ako nakabili ng toy gun.. basta walang sense.. hindi cowgirl.. i tried on different things, but came down to what i had originally thought of before.. yung weird na top na binili namin some years ago.. 2nd year college ata ako nun o third year e.. practice ako ng solo hanggang mga hatinggabi ata.. late na ko natulog sobra..

kanina si mama gumising sakin.. pero nag-alarm naman ako, nauna lang sya.. i cooked breakfast bago pa ako naligo. binigay ko na kay mommy yung pera para sa treat.. umalis ako past 9:30 na.. nagwithdraw muna ako dun sa metrobank.. tapos nagpa-makeup dun sa may david's sa saint luke's.. kala ko nga day spa e.. minadali ko na rin.. mga 15 minutes to 11 pa ako nakaalis dun. jeep na lang ako papuntang cubao. dapat nga bababa na ako dun sa EDSA.. buti na lang hindi.. sinabi ko na lang sa driver na ibaba ako yng pinakamalapit papuntang ali mall. mejo konting lakaran na lang.. kaya lang mainit na nun. nakarating naman ako dun sa picture city.. kala ko sobrang late na ako.. pero di pa naman natawag si coach.. sobrang behind schedule na.. hindi pa napi-picture-an yung kasunod namin.. sina janice naghahanap pa ng costume.. si rhea di pa nakakapagbihis.. si angelique wala pa.. hayy. mga 12 na ata kami nag-start.

angelique arrived rin.. tinuruan pa kami ng makeup pointers dahil sanay na sanay sa pictorial being a model ba naman. she went first.. nakakatuwa talagang project na project.. model na model ang dating. si rhea naman, comedy.. di daw sya marunong mag-smile.. pero todo project rin.. pang FHM daw.. tapos ako na.. ako clear.. wholesome po ito.. kung pwedeng children's mag, ganun.. as in i was totally clueless kung anong gagawin ko.. sumusunod lang ako sa pinapagawa ni coach dynes at nung photographer. two shots.. tapos. si janice naman.. tapos natapos din, group shot na. angelique and I were in the middle, janice was on my side, rhea on the other. di talaga dumating si charo. yung una, angelique and i were facing each other.. yung pangalawa naman magkatalikod kami.. si rhea naman on my side, sa kabila si janice.. two shots.. tapos. nagbihis na rin kami.. i left soon after. taxi ako hanggang greenhills.. sandali lang andun na ako.

nagulantang ang mga tao. impostora daw ako.. bakit naka-make up. syempre merong may alam.. pero ang alam nila sa office ako galing. masaya at masarap ang lunch.. dapat sasama ako sa mga mag-greenhills pero umuwi na lang ako.. ayun.. masaya.. hanap lang ako ng trivia ni mama.. natapos ko na yung iba kong download.. at kanina ko pa ginagawa itong blog.. hehehe :)

grabe.. manonood raw si sir butch ng recital namin.. kelangan ko talagang galingan.. center for pop head yun.. bukas may practice daw ng medium.. kanina nagsusukat ako ng possible na costume para sa madonna medley.. yung mini-skirt ko dito at yung red top na binili ko nung december.. sana pwedeng yun na lang, para di na kami bibili. i like how i look in that. daring pero hindi masyadong malandi..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home