Sunday, January 30, 2005

session 16.. hay.. two more to go

last wednesday, i had my 16th session at center for pop. grabe.. i'm down to my last two sessions na pala, since 18 sessions lang naman talaga ang binayaran ko.. hayy.. i'll be missing this a lot. i want to immediately move on to level 2 pero i wanna give myself some time muna to study driving, my personality development workshop, and para maaral yung binili kong voice program na nasa CD. medyo nane-neglect ko yun, ang mahal pa naman ng bili ko. tingin ko kailangan ko na syang aralin. i'm thinking of enrolling in swimming lessons as well. baka makatulong yun sa breathing ko pag nakanta. tingin ko it would be better then kung matapos ko yun before i continue with level 2. pero gusto ko pa rin mag level 2 whatever happens. parang sayang lang kung magkaka-gap pa.. pero ewan. bahala na.

anyway, nung practicum naiwan ko yung bote ko ng tubig sa padi's. badtrip. nung umaga, bumili ako ng tubig sa 7-11 kahit malamig since hapon pa naman ang lesson. nung hapon, malamig pa rin kaya ininom ko na.. lalagyan ko na lang ng mainit when i get out. kaya lang nabutas ata yung bote. i ended up throwing it away rin. iniisip ko bibili na lang ako ng tubig dun sa grocery na binilhan ko last week.

pero pumunta pa ako ng SM to buy myself a new water bottle. dumating ako sa Center around 15 minutes to spare.. sina coach dynes and coach yen were talking dun sa may malapit sa parking area. nag hello si coach sheng. after she got my classcard she asked me if i was from work. she was talking to the chubby girl na nakita ko nung christmas party. level 2 na sya. mejo madaming tao. may mga magco-concert ata ulit. i recognized the girl who was practicing nung christmas party din na mejo umiyak si coach dynes at isa pa na nakita ko ang profile sa friendster. meron pa nga atang belting out. si coach yen ang naghandle ng level 2. si coach sheng ata yung belting out. sa PH naman si coach dynes. good for me. sabi pa ni coach sheng balik daw ako sa front line after. may ibibigay daw sya.

anyway, pinuntahan ko si coach yen and coach dynes where they were talking. kinumusta nila yung practicum and yung award na nakuha ko. sabi ni coach yen may nagsabi daw na ang galing namin nung practicum. tapos yun punta na kami sa PH ni coach dynes. tinanong nya kung may dala akong bagong song. binigay ko yung list ng mga songs dun sa tape na nilagyan ko pa ng "Try It On My Own" nung gabi kasi gusto ko nang mag-move on dun. kaya lang she chose "You Were There". Sabi ko key -1 yun.. ok lang daw pero wag ko na daw gagawin un ulit.

nag "Only Me And You" muna kami. while doing that, dumaan si Coach Louie sa corridor. Naka-smile naman sya. pumasok si Coach Sheng din may nilagay sa bag ko. tapos nun rewind na kami to "You Were There". ok lang, mejo pwede na hanggang dun sa mataas na naman. ndi na ata kasi ako nahinga. inaayos namin yun nung may pumasok na guy. shet.. im not alone that day. tapos mamaya may bata pa. parang nakita ko na yun nung pumunta ako dun na walang class. ayun. after nung slow, pinaupo muna ako. ok daw yung vocal expression and modulation. yun lang daw mataas. snatch breathing daw dapat dun.

sumunod yung guy. Benedict ang name. ang song nya ay "Weekend In New England" by Barry Manilow. may kakaiba sa kanya. parang ayaw nyang ilabas yung boses nya. parang iniipit nya or something. tapos may part na kulang ng power, si coach JV daw ang may turo nun.. hehe. ang rationale naman ni Coach Dynes malakas yung accompaniment sa part na yun kaya dapat powerful din sya. something like that. ayun naayos din. the last one, yung bata na magaling mag-english. Camille ang name naman nya. Cute yung bata, long haired, siguro mga 10 years old. "I Turn To You" ang song. ok din.. mejo weak lang ang voice nya. as usual, power kailangan. pero magaling yung bata.

ayan, fast song na ang susunod. waiting for tonight dapat. kaya lang di ko memoryado yun. i pleaded na next time na lang yun. last dance na lang muna. pumayag naman. may landi na daw, though i didn't really do it the way i did it nung practicum. tapos yun nang guy, "One Love" yung song nya. comedy ito. ang tigas ng katawan nung guy. para syang probinsyanong di malaman ang gagawin. wala sa beat ng kanta ang ginagawa. his feet wouldn't go where the tune does. as in promise. i thought i can't dance. this one's worse. way worse. grabe talaga. camille was up next, "breathess" ung song. ok sya, cute tingnan. minsan lang di pa nya memorize ang choreo. they changed some parts na ayaw daw ng mom ni camille. after nya pinatayo pa kami lahat ni coach para ituro yung single-single-double-double sequence na tinuturo kay benedict. grabe. over talaga. pati yung bata natatawa na.

tapos slow and fast na. ayun.. mejo pumalya na naman ako sa slow. may signal pa ako ngayon kung kelan mag-inhale. ndi na masyadong nag-comment sa fast. si benedict, ok naman. mejo nagimprove na sa fast pero weird pa rin tingnan. si camille ok din nag-improve. tapos mga comments na lang. support daw, snatch breathing. hindi pa pala nagpa-practicum yung dalawa. baka daw february na. coach cited my award din. ayun tapos na. 8:30 flat din kami natapos.

ang weird lang, parang bad mood si coach dynes nung araw na yun. i dunno kung naiinis sya sa akin or what. sana hindi naman. i'm thinking of a possible reason pero sana hindi naman yun. hayy.. sayang kasi kung magagalit.. mabait pa naman sya and magaling, not to mention friendly.

i'm having my 2nd to the last session this wednesday. i'm thinking of giving her a token of appreciation on that day, kung sya nga ang mag-handle ng session ko. medyo malaki ang utang na loob ko dun. To think, yung award ko sa practicum, dapat ata sa kanya binigay dahil sya yung super creative sa kaiisip ng steps. Sya yung director ng sad face, bright face sa slow song. Basta.. I owe a lot to her.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home